World

Sen. Gordon nagpositibo sa COVID-19 | Pilipino Star Ngayon

Sen. Gordon nagpositibo sa COVID-19 | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senador Richard Gordon na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sinabi ni Gordon na kasalukuyan siyang naka-quarantine sa kanilang bahay at nagpapagaling.

Nilinaw naman ng senador na nabakunahan siya at ang kanyang asawa kontra sa COVID-19 at asymptomatic siya.

Wala umanong sintomas si Gordon subalit pi­natest siya ng kanyang doktor kamakalawa ng gabi matapos na mapansin na matamlay siya at hindi ka-sing sigla ng karaniwan at kahapon ng umaga lumabas ang resulta ng molecular laboratory na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.

Hindi naman umano alam ng senador kung saan nakuha ang virus dahil negatibo ang lahat ng kanyang staff maging ang kanyang maybahay na kasabay niyang sinuri kamakalawa ng gabi.

Nakakatulong naman umano sa maayos niyang kundisyon na fully vaccinated na siya ng AstraZeneca.— Mer Layson