World

60 milyong doses ng bakuna ilalaan sa mga kabataan | Pilipino Star Ngayon

60 milyong doses ng bakuna ilalaan sa mga kabataan | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 60 milyon doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang ilalaan para sa mga kabataan, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez na nasa 12.7 milyon ang mga kabataan na edad 12 hanggang 17 pero ang kabuuang bilang ng “children population” ay aabot sa 29 milyon.

Samantala, inihayag naman ni Health Secretary Francisco Duque na mayroon ng guidelines para sa pagbabakuna ng mga kabataan na edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Sinabi ni Duque na uunahin munang bakunahan ang mga may edad 15 hanggang 17 taong gulang bago isusunod ang edad 12 hanggang 14.

Mangangailangan pa rin aniya ng parental consent at hindi maaring ipaubaya ang pagdedesisyon sa mga kabataan kung sila ay magpapabakuna.