Video

Binibining Pilipinas inuudyukan na HUWAG NANG MAGPADALA ng Kandidata sa Miss Grand International

Binibining Pilipinas inuudyukan na HUWAG NANG MAGPADALA ng Kandidata sa Miss Grand International
Malinaw ang sigaw ng sambayanang Pilipino sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated at kay Madam Stella Araneta na itigil na ang pagpapadala ng ating mga kandidata sa Miss Grand International. Dahil sa ilang beses na umano tayong nananakawan ng korona sa nasabing Beauty Pageant ng Thailand, kagaya ni Samantha Bernardo at Nicole Cordovez, mas mabuti daw na wag nalang tayong magsayang ng panibagong binibini. May nagsasabi na kahit kailan daw ay hindi maaapreciate ng MGI Organization ang galing at talino ng mga kandidatang ipinanlalaban ng Pilipinas dahil bitter daw ang mga ito sa tagumpay ng ating bansa sa larangan ng Beauty Pageant. Pilipinas kase ang katangi-tanging bansa sa Southeast Asia na itinuturing na Power House. Pinas din ang pangalawa sa pinakamaraming koronang naipanalo sa Big 4 Beauty Pageant.