World

Pag-isyu ng travel authority sa LSIs sinuspinde | Pang-Masa

Pag-isyu ng travel authority sa LSIs sinuspinde | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ang paglalabas ng travel authority to locally stranded individuals (LSIs) na patungong Eastern Visayas.

Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na tatagal ng dalawang linggo batay na rin sa kahilingan ng mga local executives ng Region VIII.

Nabatid na  ikinonsidera at tinanggap ni  Interior Secretary Eduardo Año ang mungkahi ng local chief executives sa rehiyon na i-“declog” muna ang kanilang quarantine facilities bago tumanggap ng LSIs.

Ang lahat ng pupunta sa Region VIII ay pagsasamahin at iipunin saka ihahatid ng barko.

Ayon sa ilang mga ulat na kaya tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas ay dahil sa pagdating ng LSIs.