World

COVID-19 cases sa bansa lampas 342,000; new cases sumipa ng 3,564 | Pilipino Star Ngayon

COVID-19 cases sa bansa lampas 342,000; new cases sumipa ng 3,564 | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga bagong hawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, mahigit dalawang linggo bago ang pagpapalit ng quarantine restrictions sa Pilipinas ngayong Lunes.

Umabot na sa 342,816 ang kumpirmadong nagkaroon ng SARS-CoV-2 virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 3,564 cases ngayong hapon.

Lagpas 1,000 ang itinaas ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas kumpara kahapon, kung saan 2,502 lang ang newly reported cases.

Pero hindi lahat ng bilang na 'yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o 'di kaya't namatay na. 43,332 na lang ang nalalabing "active cases" sa mga 'yan.

Ang mga bagong cases ay sinasabing natagpuan primarya sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (1,344)
  • Cavite (215)
  • Laguna (212)
  • Rizal (211)
  • Iloilo (164)

Lumabas ang mga naturang datos matapos makapagsagawa ng COVID-19 tests sa mahigit 3.91 milyong katao sa Pilipinas. Sa kabila niyan, 13 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta sa Department of Health (DOH) kahapon.

"89 duplicates were removed from the total case count. Of these, 71 were recovered cases," dagdag ng kagawaran.

"Moreover, 2 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 11 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 6,332 ang total local COVID-19 casualties.

Ligtas naman na sa panganib ang 293,152 pasyente sa ngayon. Mas marami 'yan ng 150 kumpara sa bilang kahapon.

Lampas 37.1 milyon na ang nadadali ngayon ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sumakabilang-buhay na ang 1.07 milyon sa kanila.

WHO: Tigilan na ang lockdowns vs COVID-19

Ilang araw pa lang nang makiusap si Dr. David Nabarro, Special Envoy on Covid-19 ng WHO, sa mga world leader na itigil ang paggamit ng lockdowns sa pagkontrol ng COVID-19 pandemic. 

"We really do appeal to all world leaders: stop using lockdown as your primary control method," ani Nabarro sa panayam ng The Spectator.

Hindi naman sinagot nang diretso ng DOH kung plano nilang irekomenda ang pagpigil sa lahat ng lockdowns, at iginiit pa ngang "consistent" ang ginagawa ng gobyerno sa WHO declaration.

"The recommendation of the WHO is consistent with DOH promoting the Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration (PDITR) or gatekeeping indicators (surveillance, contact tracing, etc.) that quarantine alone is not sufficient," ani DOH kanina.

"But we need to ensure capacity of the LGUs to implement these gatekeeping actions. That is why the IATF has set targets to ensure that all LGUs are capacitated and would be able to fulfil all gatekeeping indicators before the year ends."