Video

Matandang inakusahang nanghipo, binugbog sa loob ng jeep

Matandang inakusahang nanghipo, binugbog sa loob ng jeep
Humingi ng tulong si Mang Alex sa Wanted sa Radyo matapos siyang bugbugin habang nasa loob ng jeep. Kwento niya, pinagbintangan daw siyang nanghipo ng isang kapwa-pasahero. Pero matapos imbestigahan ng mga pulis, napatunayang hindi totoo ang paratang laban sa matanda. Ngayon, si Mang Alex na ang nagsampa ng reklamo laban naman sa mga nambugbog sa kanya at sa babaeng nagbintang.