Entertainment

'Ecq' (Extended Cracked Quarantunes)

'Ecq' (Extended Cracked Quarantunes)

Tatlong linggo na pala tayong kumakanta

Ng mga Tough Hits na na-virus mga letra!

Iniisip kong itigil na muna sana

Kaya lang uso Extended kaya eto na!

(To the tune of Ikaw Lang Ang Aking Mahal)

Itong si pareng Gusting

Habang sya’y nagka-quarantine

Nagpaalam sa wating

Sya raw ay magpapa-testing

At lumayas na si Gusting

Naka-porma at naka-isputing

Kaya pala anak ng pating

May bagong chiching pala na tine-testing!

Pagdating na ni Gusting

Si misis naka-smiling

Mabango’t bagong bathing

Handa na ‘to to make siping!

Lagot, anak ng jueteng!

Nasagad na sa kakabutingting

Kaya nagpalusot si Gusting

Na nag-positive ang kanyang pagte-testing!

Ahhhhh…

Ang leksyon na dapat ninyong malaman

Sa mga mahilig sa ibang kandungan

Siguruhin lang

Misis nyo’y ‘di na uhaw! haw…haw…haw

Coda:

Si misis ay ‘di na uhaw haw haw

Si misis ay ‘di na uhaw haw haw

Tingin na sa’yoy kalabaw

*  *  *

(To the tune of Disco Fever)

Ang millennials daw

Type laging mag-viral

Tuloy ang nangyari

Virus ay nagtagal

Pandemic daw

Ay para bang third world war na rin

‘Wag kayong magsisinungaling

Inisip n’yo na rin

Na world ending

(chorus)

Konting fever

Hindi na pwedeng biru-biruin

Ang pag-ubo at pag-hatsing

Ngayon ba’y aakalaing

Could lead to libing!

Ahhhh… (repeat chorus)

*  *  *

(To the tune of Swing)

Alam n’yo dahil sa pandemic na ‘to

Maraming mga tao ang nagbago

Dahil sa social distancing

Ay work from home na ang gusto

Sa bahay dun lang gustong magtrabaho

Like Pedro isang nang-eembalsamo

Mga bangkay ay take home na rin

Ine-embalm n’ya sa kwarto!

T’wing, sa t’wing may tegi

Ka-ching! Wife nyang si Baby

Kanya na make-up nito

Pati barong na may biyak

Sa back ahhhhh

Alam n’yo medyo may nangyaring gulo

Hiwalay na ‘tong si Baby kay Pedro

Pagkat nung umuwing lashing

May nabuking sya sa kwarto ohhhhh

Siping, naka-siping si Baby

Ohhhhh sleeping, sleeping with tegi

Porma’y parang nagsasayaw

Cheek to cheeks pa mga ito

Lagot ahhhhhh

(adlib/same tune as chorus)

Patay yung patay kay Pedro

Patay yung patay kay Pedro (pataas)

(to fade…)

*  *  *

(To the tune of Sumayaw, Sumunod)

Ang kasiyahan

Ay wala sa mukha nitong si Mang John

Pagkat ang misis nya sinabing jontis nang dalawang bwan

Tanong ng tao dapat daw kasi ay excited ito

Sumakay sa barko si John nung isa _ _ _ pang taon

At ‘di pa sya umuuwi mula noon

Sumakay sa kanya ay sure syang hindi _ _ _ sya yaon

Meron na bang sexual distance ngayon?!

*  *  *

(To the tune of Felimon)

Si Felimon, si Felimon

Ay may pinag-iisipan

Ang misis nya ay nanganak

Nang habang naka-lockdown

Hindi gastos sa binyagan

But the sound of lockdown

Baka mapareho dyan

Ang future ng kanyang son

Bagsak ay sa kulungan!

*  *  *

(To the tune of Sinisinta Kita)

Kung talagang iisipin

Virus saan ba nanggaling

Hinala ay galing pagkain

Ng paniki sa dilim!

Bakit kasi you are eating

Mga pang-gabi ng lagim!

Looks pa lang terrifying

Mukhang daga’t kulay itim!

Binebenta pa nang buhay

Kung baga prutas ay hilaw

Isipin pa’t gumagalaw

Bakit ‘di na lang siopao!

(chorus)

Sinisisi ngayon

Ay ang bansang Tsina

Sagot naman nila

Eh hindi raw sila

Bakit daw ba ang bat

Buntunan ng sala

Hindi naman sila

Ang nangdra-dracula!

‘Tsaka prutas lang daw

Kinakain nila

Nananahimik lang

Sa loob ng kweba

They like the people nga

To stop eating sila

‘Cause that’s the reason why

Sila ay low bat na!